Photobucket - Video and Image Hosting

BLi_333halfwaytohell


BLi is a clown. a friend. a weird 16 yr old alien. a Lost addict. a Saw follower. a CO. a student dependent on her uber hightech calculator. a hater of phone calls. a lover of blogging. a gay person. a jumping spider. a maker of noise. a source of laughter. and some other stuff...
Private Subscribe CLAF Subscriptions Profile
Camwhoring Purevolume Icons Surveys







About this Entry
Posted by: bli_333halfwaytohell

Visit bli_333halfwaytohell's Xanga Site

Original: 11/15/2007 11:29 PM
Views: 61
Comments: 0
eProps: 0

Read Comments
Post a Comment
Back to Your Xanga Site


Thursday, November 15, 2007

I CANT BELIEVE SHE SAID THAT

 

 

walang hiya yang babaeng yan. di karapat dapat maging "kaibigan" ko. alam ko PALAGI kong sinasabi sa iba na "pag siya ay isang tunay na kaibigan mo, she'd go out of her way to make your life easier". MEANING helping you out. that's what happened to my barkada, <FMA3. back when i was a coc, whenever we were talking and i don't notice an officer, they'd tell me "oi bli, tapos ka na ba kay Ma'am____?" or pag sa platspirit "OI BLI! si Ma'am___ nasa under the clock". TULUNGAN. yng mga yn. tunay kong kaibagan. siya FAKE.

pag mali ka, MALI KA. wag ka ng kumontra. aminin mo na. at PAG natapos ang away AYOKONG tinatawag akong "bitch" pwede ba? masakit yun. lalo na kung nanggaling sayo. oo inaantok ka, EH SINO BA NAMAN HINDI INAANTOK PAG UMAGA? kung alam mo ng may makakalimutan ka, eh di ihanda mo sa gabi. palaging may paraan. walang excuses. tama ba naman PAHIRAPAN ang buhay ko?

kinalimutan mo na yng bagay sa bahay, okay, fine! pero gumawa ka ng paraan para maging ayos na ang lahat. research paper nakalimutan, kausapin si teacher. material makalimutan, manghiram sa ibang section. IKAW NA GUMAWA NG PARAAN. hindi kita ANAK para ako gumawa ng solusyon.

oo, bilang kaibigan MO, dapat kita tulungan. oo nagkamali ka, nanakalimutan mo. pero mali yng ginawa mo eh. imbis humanap ka ng paraan, umupo ka lang dyan at nakipagtalo sa akin. hello. hindi ako tanga. oo, minsan may konting sira ako sa utak, pero pag seryosong usapan, seryoso ako. dapat alam mo na yun.

nakita mo na ako magalit sa iba. wala akong takot ipahiya ka sa buong mundo. matalino ka, sure paki ko dyan. marami kang 'kakampi', dude meron din ako. kala mo sa IBA ko lang kaya gawin yn dahil wala naman kaming "history", pantay pantay lang kayo lahat pag nasa ganitong situasyon.

dude. gusto kong matuto ka. ayokong lumalabas sa ICA ang mga kapwa kong ICAns na tanga. AYOKONG nakakarinig ng mga salitang "ano ba naman ang icans, ibang klase na nga. maiingay na nga, wala pang MANNERS". heller! nakakahiya. at kung GANITO ang ugali mo sa harap ng mga kilala mo, paano na kaya sa mga hindi mo kilala? paano na pag nasa bago ka ng environment, ganoon din? makikipagtalo ka pa rin sa kanila kahit alam mong MALI KA? alam mo, hindi pwepwede yan sa ibang tao. hindi 'pahiya' ang gagawin sayo, BUGBOG na. baka ipa-salvage pa ikaw.

sana maramdaman mong mahal kita. ayokong mapahiya ka. ayokong masaktan ka ng iba. masyado malaki para sa akin ang pinagdaanan natin para mawala ka. naiintindihan mo ba gaano kasakit itong ginawa mo? hindi ito dahil sa nakalimutan mo. pero sa sinabi mo. sa pag pipilit na tama ka, pero alam mong mali ka. at lalo na sa pagtawag sa akin ng 'bitch'. sayang ka. sayang ang LAHAT ng pinaghirapan mo. yng mga ipinangako at sinabi mo sa akin, nagdadalawang isip na ako ngayon. kala mo biro lang ang lahat? seryoso toh dude. nakita ko na ang tunay mong pagkatao. walang hiya, walang utang ng loob, immature.

oo duwag ako kasi hindi ko masabi ito sa harap mo. hindi kita kayang saktan. ayoko umiyak ka nanaman sa harap ko. ayokong magkaroon ng eksena. kung magkataon makapag-usap tayong dalawa lamang, sasabihin ko rin sayo toh.

 

sa mga natamaan. most probably, hindi ikaw ang pinaparinggan ko. wala siya. hindi nya ata alam itong blog na ito. masyadong oblivious yun sa mundo ng ibang tao. ng mga MORTAL na nilalang.

 

hay. at sa mga iba. please wag gumaya sa kanya. pag may mali ka, gumawa ng paraan para ayusin. wag tatanga-tanga, makikipagtalo at wala lang. walang maidadala yan. sayang lang sa oras, sa laway, sa brain cell. sa buhay, palaging may solusyon, may paraan. no, walang 'end of the world'. tayo tayo lang ang gumagawa noon para pwede na natin iiwan ang mga problema. kaya minsan hindi umaasenso ang buhay.

 

<3

much love to my FMA, Platspirit, the Y and other friends.

~BLi_333halfwaytohell

 Posted 11/15/2007 11:29 PM - 61 Views - 0 eProps - 0 comments

Give eProps or Post a Comment

Choose Identity
(?)
 
Give eProps (?)
Post a Comment
Add Link | Preview HTML comment help 
Profile Pic:
Default  |  Choose »  (?)



Back to bli_333halfwaytohell's Xanga Site!
Note: your comment will appear in bli_333halfwaytohell's local time zone:
GMT +08:00 (China Coast)